Una sa Balita

Round 1: Wesley vs Chinese

0 254

MULING makikilatis ang tikas ni super grandmaster Wesley So sa 2019 Sinquefield Cup na gaganapin sa Saint Louis, USA.

Magsisimula ang bakbakan bukas sa 12-player single round robin, nakalaan ang prize fund na $325,000.

Makakaharap ni 25-year-old So ang tatlong nagsalo sa tuktok sa nakaraang taong edition na sina reigning World champion GM Magnus Carlsen ng Norway, GM Fabiano Caruana ng USA at GM Levon Aronian ng Armenia.

Ang ibang malulupit na grandmasters na kalahok ay sina Ding Liren ng China, Maxime Vachier-Lagrave ng France, Viswanathan Anand ng India, Ian Nepomniachtchi at Sergey Karjakin ng Russia, Hikaru Nakamura ng USA at Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan.

Makakaharap ni Imus, Cavite native So sa round 1 si Liren.
Pero magkakaroon muna ng Autograph session para sa mga fans. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy