Una sa Balita

ROTC opsyon ‘di requirement

0 269

MAGMUMUKHA umanong ‘overtly military’ program ang Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) kung walang community service subject dito.

Ito ang iginiit ni Senadora Imee Marcos sa pagdinig ng Senate basic education kung saan isiningit pa nito ang kanyang panukalang gawing college option ang ROTC sa halip na school requirement sa graduation.

“You can’t legislate nationalism or force kids to be soldiers,” sabi ni Marcos.

Nilinaw pa nitong hindi siya kontra sa ROTC dahil nakapaloob aniya sa kanyang inihaing Senate Bill 413 na naglalayong gawing optional ito sa mga estudyante sa kolehiyo.

Nakasaad din sa kanyang panukala na bigyan ng insentibo na libreng health at life insurance ang lahat ng kadete ng ROTC at allowance naman sa mga opisyal.(Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy