Una sa Balita

ROTC ‘di lang pagmamartsa

0 369

Dear Abante:

Push or pull? Ito ang tanong sa kung kailangan ba talaga ang Reserve Officers’ Training Corps o mas kilala natin sa tawag na ROTC. Sa madaling salita, ang ROTC ang paraan ng gobyerno para hubugin ang kabataan at makita nila kung sila ba ay may potensyal na ma­ging isang maaasahan at huwarang lider sa military. ‘Pag sinabing ROTC, ang unang papasok sa isipan ng isang ordinaryong estudyante ay ang pagmamartsa, pagbibilad sa ilalim ng sikat ng araw, mga drill na may halong pahirap at kung ano-ano pa.

Ngayon ang katanungan diyan, kailangan bang ipursige o kailangan bang bawiin ang pagpapatupad nito dahil sa mga posibilidad na maging paraan ito para sa pang-aabuso sa karapatan ng mga estudyante?

Sa kabilang banda, ako ay sang-ayon dito. Sa aking palagay ay mas mabuti nang mapasama ang aking anak sa ROTC na lehitimo at kinikilala ng gobyerno kaysa sumama ang anak ko sa mga patagong nagsasanay at umaakyat sa bundok.

Kung susumahin, mainam pa ang ROTC kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa mga bata, alam kung sino ang sisingilin, kung sino ang kakasuhan. Kung sa mga aktibista at mga komunista sasama ang kabataan, sino ang mananagot? Walang may gusto na malagay sa alanganin ang ating mga anak, ang ating kabataan ngunit labanan na ito ngayon ng propaganda. Kung ikaw ang tatanungin, saan nga ba mas magandang mapunta ang anak mo?

Ann R. Aquino

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy