Una sa Balita

Rotational brownout sa Cebu

By
0 130

Sa kabila ng pagbalik na ng suplay ng kuryente sa Cebu City at Mandaue City, patuloy pa ring nakararanas ng dilim sa lugar dahil sa pagpapatupad ng rotational brownouts sa kakapusan pa rin ng kuryente.

Sa abiso ng Visayan­ Electric Company (VECO), isang oras na rotational brownout ang ipinatutupad sa mga barangay ng Ermita, T. Padilla, Kamagayan, San Roque, Tinago, Sto. Niño, Parian, Tejero at ang North Reclamation Area sa Cebu City.

Sa Mandaue City naman apektado ang barangays Tipolo at Subangdaku.

Samantala, sa pina­kahuling abiso naman ng National Grid Corporation, sinimulan na muli ang pagsasagawa ng testing sa kanilang Ormoc Substation.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy