Una sa Balita

Rotating brownout nagbabadya sa tag-init

0 288

NAGBABALA si National Electrification Administration (NEA) administrator Edgardo Masongsong na nagbabanta ang mga rotating brownout sa darating na summer matapos mag-isyu ng advisory ang Department of Energy (DOE) na maaaring magkakaroon ng yellow at red alert sa Luzon.

“Kung hindi magtulong-tulong ang lahat at iaasa na lang sa mga distribution utility o iaasa na lang sa gene­ration companies at dumating ang kinakatakutan nating kakulangan ng suplay ng kuryente, talagang magkakaroon ng worst scenario na magkakaroon ng rota­ting brownouts,” sabi ni Masongsong sa interview sa GMA News Balitanghali kahapon.

Ayon kay Masongsong, nagbabala ang DOE na kakapusin ng 256 megawatts hanggang 821 megawatts ng kuryente mula Abril 18 hanggang Abril 21 at mula Mayo 20 hanggang Mayo 22 sa Luzon.

Nanawagan na ang NEA sa mga electric cooperative sa Luzon na ihanda na ang kanilang mga embedded gene­ration tulad ng mga diesel-fired at bunker-fired generator para makadagdag sa suplay ng kuryente. Pinakikilos na rin ng NEA ang mga electric cooperative na kontratahin na ang mga may-ari ng mall at pabrika na maghanda nang gamitin ang kanilang genset sa ilalim ng interruptible load program tulad ng ginagawa na ng Manila Electric Company sa tuwing may kakulangan sa kuryente.

Payo ni Masongsong sa mga electric cooperative, “habang naghihintay sa posibilidad ng power shortage baka kailangang pumasok na sa agreement sa mga may-ari ng standby gensets.” (Eileen Mencias/Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More