Una sa Balita

Ross-Cabagnot combo muling magpapabibo

0 233

Finals Game 3 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — TNT vs. SMB
(Series tied 1-1)
MULA 2013 ay teammates na sa San Miguel Beer sina Chris Ross at Alex Cabagnot, sa tinagal-tagal ng pagsasama ay nagkakaamuyan na ng bawat galaw sa court.

Kaya hindi kataka-takang perpektong na-execute ng dalawa ang isang play na nagbigay daan para ibuhol ng Beermen sa tig-isang laro ang PBA Commissioner’s Cup Finals nila ng TNT KaTropa.

Miyerkoles nang gabi sa Smart Araneta Coliseum, sa final 4 seconds ng overtime at naiiwan ng dalawa ang SMB, kinalawit ni Ross ang rebound mula sa mintis ni Troy Rosario sa free throw line.

Tumatakbo na pa-kabila si Cabagnot, nakita ni Ross na nauuna ng ilang hakbang ang kakampi sa humahabol na si Jayson Castro.

“I saw that he had a step on Jayson. He looked liked he wanted to go to a three, I threw it towards the basket because we only need a two,” ani Ross. Nagbuhol ang iskor sa 114 sa pagtatapos ng first overtime, napuwersa ang second at tinagay ng Beermen ang 127-125 panalo.

Basagan ulit ang magkabila sa Game 3 mamaya sa Big Dome din. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy