Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rose itinapon sa New York

0 161

MULING makakasama ni one-time NBA Most Valuable Player (MVP) Derrick Rose si coach Tom Thibodeau matapos itong ma-trade sa New York Knicks mula Detroit Pistons.

Nitong Linggo ng hapon, nakipagkasundo ang Detroit na i-trade si Rose sa Knicks kapalit ni Dennis Smith Jr. at 2021 second-round pick, ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Si Thibodeau ang head coach ng Knicks, nagkasama sila ni Rose noong ginagabayan niya ang Chicago Bulls.

Nakaraan pa niluluto ang usapang trade kay Rose, marami rin ang interesadong team sa dating star player ng Bulls.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Eastern Conference team standings ang Pistons tangan ang 5-18 karta habang nasa eighth ang Knicks na may 11-14 record.

Inaasahang makikita na sa bakuran ng Knicks si Rose sa susunod na laban ng New York. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.