Una sa Balita

Rosario lumebel kay Alapag

0 277

MARAMING palabok ang 127-125 double overtime win ng San Miguel Beer kontra TNT KaTropa sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup Finals noong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbuhol ang best-of-seven sa tig-isang laro.

Ang 34 na three-point field goals made ng SMB (18 for 32) at TNT (16 for 46) ay all-time PBA Finals record na, ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III.

Inari ng magkatunggali ang record ng third-most number of 3s made sa isang laro sa kasaysayan ng PBA. Pangatlong game nang may at least 34 3s made sila, pero unang panalo ng Beermen.

Bago ang laro, 4-0 ang SMB sa double OTs sa PBA Finals sapul noong 1993.

Si Troy Rosario ang fifth local player ng KaTropa franchise na nagsalpak ng 8 triples o higit pa sa isang laro pagkatapos nina Jimmy Alapag, Larry Fonacier, Jayson Castro at RR Pogoy. Pangalawang gumawa nito sa Finals ni Rosario kasunod ni Castro.

Mula sa labas ng arc ay 8 for 12 si Rosario tungo sa career-high 34 points.

Unang double OT rin ito sa Finals pagkatapos ng title-clinching 108-99 Game 5 win ng SMB kontra Magnolia sa 2018 Philippine Cup.

Sa first half ng 109-96 win ng TNT noong Game 1, 8 for 19 mula downtown ang KaTropa, 4 for 15 ang Beermen.

Second league-best ang average na 11.3 3-pointers­ made ng SMB ngayong conference, sa likod ng 12.7 ng TNT. Sa playoffs, 10.6 per game ang San Miguel pero sa Game 2 ay 11 for 17 na sa first half ang SMB kumpara sa 1 for 11 ng KaTropa. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy