Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rosario, 3 pa sapol ng injury

0 100

DAHIL sa knee injuries, hindi nakalaro sina Troy Rosario, Ryan Reyes at JD Tungcab sa huling salang ng TNT, ang 87-72 win kontra Phoenix Super LPG noong Linggo.

Naupo rin si Kib Montalbo dahil sa groin strain.

Mas malamang wala pa ang apat ngayong araw sa pagharap ng Tropang Giga (5-2) kontra NorthPort (2-3).

Pumapang-apat na ang TNT sa PBA Philippine Cup, kapag nakontak ang fourth straight win ay halos sigurado na ng puwesto sa quarterfinals.

“We have four games left, and we have to get as many wins as we can,” ani coach Chot Reyes.

Para makawala sa three straight losses, kailangang malimitahan ng Batang Pier sina Mikey Williams, RR Pogoy at Jayson Castro.

Sinilaban ni Williams ang Fuel Masters ng 27 points, 6 rebounds, 7 assists at 2 steals. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.