Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rosanna, Diego bibida sa ‘Pieta’

0 278

Kalaban noon, kakampi na ngayon.

Ganiyan ilarawan ni Rosanna Roces ang relasyon niya sa Viva Films. Kasi nga, Seiko jewel si Osang noon, di ba? At heto na nga siya ngayon, contract artist na ng Viva Artist Agency.

Waging-wagi nga ang career ni Osang ngayon. At sunod-sunod ang mga proyekto niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa ‘Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar’, heto at bibida rin siya sa dalawang pelikula, ang Pieta at isa pa na mala-Insiang ang tema.

Sa Pieta, si Diego Loyzaga (na Viva artist na rin) ang makakasama niya. Si Diego ang gaganap sa papel na ginampanan noon ni Ace Vergel.

“’Yung sa Insiang, parang inspired lang siya, dahil ang kuwento naman nito, mag-aagawan kami ng anak ko sa isang lalake. Ang twist lang, bakla ang anak ko, na aagawan ako ng lalake,” sabi ni Rosanna.

Bongga, di ba? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.