Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rosales nabingwit ng Road Warriors

0 199

NAKUHA ng NLEX Road Warriors ang serbisyo ng guard na si Kris Rosales na kabilang sa mga free agent upang agad nitong mapunan ang puwestong nabakante sa pagkakalipat ni Mike Ayonayon.

Hindi nakapaglaro si Rosales ng isang komperensiya matapos mawala sa rotasyon ng Rain or Shine Elasto Painters bago nakita ng Road Warriors para sa darating na import reinforced na Governors Cup.

Nakumpleto ng 30-anyos na si Rosales ang kasunduan sa pagsama sa Road Warriors Martes para sa isang season na kontrata para maglaro sa ilalim ni coach Yeng Guiao.

Binitiwan ng Rain or Shine si Rosales bago magsimula ang 46th season upang mapabilang sa mga free agent.

Matatandaang inilipat ng NLEX ang guard na si Ayonayon at big man Will McAloney kapalit ni Marrion Magat at ang future second round pick ng Blackwater Bossing. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.