Una sa Balita

RoS squad sa Asiad tinatakan na ng PBA

By
0 731

Pormal nang itinatak ng PBA Board ang approval sa Rain or Shine team na kakatawan sa Pilipinas sa Asian Games sa Indonesia sa Aug. 18-Sept. 2.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ia-adjust ang schedule ng Elasto Painters sa Governors’ Cup na magsisimula sa Aug. 17.

Maglalaro na lang ang Painters sa season-ending conference pagkatapos ng tour of duty sa Asiad.

Pinasalamatan din ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ang Rain or Shine management sa pag-ako sa responsibilidad na kargahin ang Philippine team.

Sinagot ito ni RoS governor Atty. Mert Mondragon na karangalan din ng team katawanin ang bansa sa Asiad.

“Whole team (ng Rain or Shine) pero depende kay coach Yeng kung sino kukunin,” ani Marcial.

Si coach Yeng Guiao na ang hahawak sa PHL team, magiging assistant niya si current Elasto Painters head coach Caloy Garcia.

Rain or Shine lang ang may pagbabago schedule sa Governors’ Cup kahit may ibang mga player na hugutin si Guiao mula sa iba pang team.

Idinagdag ni Marcial na 15 days mawawala ang RoS squad, pagbalik ay magiging sunod-sunod naman ang mga game day nila.