Una sa Balita

Roque walang tampo kay Digong

By
0 353

Nilinaw ni dating Presidential spokesman Harry Roque na wala siyang sama ng loob o tampo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-alis nito sa Malacañang.

Ayon kay Roque, nagkausap sila ng Presidente at sinunod ang payo nito.

Wala aniya siyang panghihinayang sa buong panahong ipinagsilbi bilang tagapagsalita ni Duterte, kahit pa hinugot siya sa kanyang puwesto sa mababang kapulungan ng Kongreso.

“In very good terms, very good terms,” ani Roque.

Naniniwala si Roque na nagawa naman nito ang trabaho at naiparating sa mga tao ang mga nagawa ng administrasyon pati na ang mga nais pang gawin ng gobyerno.

“I think I was able to do that. I was able to send and communicate to the people the achievements as well as the goals of the Duterte administration,” wika pa ni Roque.

Bukod dito, sinabi ng dating kalihim na nagawa rin niyang ipagtanggol ang Presidente laban sa mga kritiko nito na walang ginawa kundi mag-abang at maghanap ng ibubutas sa Pa­ngulo.

“It was a pleasure also to defend the President against his detractors because it is my firm conviction that anyone who has been given a democratic mandate must not only be respected but must be supported and I have absolutely no regrets as far as that is concerned. It remains my conviction,” dagdag pa ni Roque.