Una sa Balita

Roque sa mga pulis: Bawasan ang asawa

By
0 355

PINAYUHAN ng Malacañang ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasasangkot sa iligal na aktibidad na bawasan ang asawa para hindi kumapit sa patalim.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng babala ni Pangulong Rod­rigo Duterte na huwag mag-sideline bilang gun for hire ng mga sindikato.

Sinabi ni Roque na kaya napipilitang gumawa ng iligal ang ilang pulis at sundalo ay dahil sa dagdag na gastos at sustento ng mga ito.

Dinoble na aniya ng Pangulo ang suweldo ng mga sundalo at pulis pero nakakalungkot na mayroon pa ring gumagawa ng iligal para matustusan ang kanilang bisyo.

“Pero ngayon dinoble na ang suweldo ng mga sundalo at pulis wala na pong dahilan para magreklamo  na kulang ang kanilang suweldo. Bawasan na lang ang asawa para magkasya ang dobleng salary,” ani Roque.