Una sa Balita

Roque sa banat ni Trillanes: Ang asim

By
0 733

SINAGOT ng Malacañang ang negatibong pagtanggap ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa natanggap nito na ‘all time high’ na 88% approval rating at 87% trust ra­ting sa survey na inilabas ng Pulse Asia.

Kasunod ito ng pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na mga taga-Davao umano ang kinuhang mga respondent sa survey kaya mataas ang nakuhang marka ng Pangulo.

Maiksing ‘ang asim’ na komento ang sagot ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ng senador.

Ang publiko aniya ang magsasabi kung may nakikitang ginagawa at may pagbabagong isinusulong ang administrasyon.