Una sa Balita

Roque Pambarag Ni Duterte Sa Mga Oligarko

0 860

Balik na sa pagtatrabaho sa gobyerno si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Tinanggap na niya ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na ma­ging abogado ng gobyerno laban sa Maynilad at Manila Water.

“Yes Mr. President, I accept the challenge. Will sue the Oligarchs!” tweet ni Roque na isa ring kolumnista ng Abante.

Kalakip ng tweet ni Roque na isang la­rawan nilang dalawa ni Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Malacañang na hindi pagkakaitan ng due process ang dala­wang water concessio­naire ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS).

Inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang paglilinaw matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin at kaagad na idedetine ang mga may-ari ng Metro Pacific Investments Corp. na kumokontrol sa Maynilad na si Pa­ngilinan at Manila Water na subsidiary naman ng Ayala Corp.

“Ang ibig sabihin, idedemanda ang mga dapat idemanda. That is on the assumption that there are warrants of arrest,” ayon kay Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na sa sandaling maisampa ang kaso sa mga water firm owner, ang judge pa rin ang mag-iisyu ng warrant of arrest laban sa kanila.

“Lahat ‘yan padadaanin sa proseso (All of it will be accorded due process),” ayon pa kay Panelo.

Magugunita na nagbabala si Duterte sa mga water concessionaire sa Davao City noong Biyernes laban sa paghahain ng temporary restraining order laban sa gobyerno. (Prince Golez/Juliet de Loza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More