Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Roque miss na maging TikToker

0 128

Nagtataka ba kayo kung bakit wala nang bagong upload si presidential spokesperson Harry Roque sa TikTok?

Sa ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, nilantad ni Roque na may nilabas na order kung saan binawalan siya sa pagsayaw sa naturang mobile app.

“Napatigil ang aking TikTok. ‘Yan po ang sinabi sa akin na dapat huwag muna mag-TikTok pagbalik ko as spokesperson,” lahad ni Roque.

Aniya, babalik din siya sa pagiging ‘TikToker’ sa oras na maging pribadong indibiduwal ulit.

“Hayaan niyo po at hindi naman tayo magtatagal at babalik tayo sa pribadong buhay at magti-TikTok po tayo ulit,” ayon sa tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nang matanong kung sino ang nag-utos na patigilin siya sa pag-TikTok, tugon ni Roque, “Meron talagang order kaya nga sinasabi ko, ‘nasupil ang karapatan kong mag-macho dance!'” (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.