Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Roque kinontra sa UN Int’l Law Commission ng Bayan-USA

0 71

New York – Hindi raw karapat-dapat maluklok na miyembro ng United Nation International Law Commission si Presidential Spokesman Harry Roque.

Pinababasura ng militanteng grupo ang nominasyon ni Roque sa nasabing posisyon dahil kinunsinti raw nito ang mga paglabag sa karapatang pantao ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasalukuyang nasa New York ang kalihim para tutukan ang kanyang nominasyon para sa komisyon.

Isang kilos protesta naman ang isinagawa ng ibat-ibang grupo sa harap ng United Nation kabilang si Bayan USA Mike Legaspi para ipabasura ang nominasyon ni Roque. (Dave Llavanes Jr.)

Leave A Reply

Your email address will not be published.