Una sa Balita

Roque kay Trillanes: Walang warrant, walang aresto

By
0 830

HINDI ipapaaresto ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV hangga’t hindi lumalabas ang warrant of arrest nito mula sa regional trial court.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpulong kagabi ang mga miyembro gabinete ng Pa­ngulo at tinakalay kung ano ang dapat na maging posis­yon sa pagpawalang-bisa sa amnestiya ni Trillanes.

“Nagkaroon po ng pagpupulong si Presidente sa lahat ng gabineteng sumama sa biyaheng ito at napag-usapan kung ano ang magiging posisyon ng administrasyon tungkol sa pag-revoke ng amnesty kay Senator Trillanes at pagkatapos ng mahabang talaka­yan, nagdesisyon ang Presidente that he will abide with the rule of law. Aantayin po niya ang desisyon ng hukuman, ng regional trial court kung sila ay mag-iisyu ng warrant of arrest,” ayon kay Roque.

Abante Hiring – IT dep

“Ang desisyon ng Presidente is he will allow the judicial process to proceed, and he will await the issuance of appropriate warrant of arrest if there is indeed one to be issued before Senator Trillanes is arrested,” sabi pa ng kalihim.

May nauna nang mos­yon ang Department of Justice sa Makati Regional Trial Court na humihiling na maglabas ng warrant of arrest laban sa senador.

Pero nakahanda aniyang maghintay si Pangulong Duterte sa magiging desisyon ng mababang hukuman kahit pa maaari naman nitong atasan ang military court na maglabas ng arrest warrant.

Bilang dating na­ging piskal, bati aniya ng Pangulo ang criminal procedures kaya nanindigan ito na dapat masunod ang rule of law at judicial process.