Una sa Balita

Roque kay Joma: Kulang lang sa powder si Duterte

By
0 361

PINABULAANAN ng Malacañang ang ulat na comatose si Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumalo sa pagtitipon ng kanilang brother­hood fraternity na Lex Talionis noong Sabado.

Kasunod ito ng ipinost sa Facebook ni Communist Party of the Phi­lippines founding chairman Jose Maria Sison na base umano sa natanggap niyang ulat ay nangingitim umano ang mukha ng Presidente at unstable ang lakad at panginginig ng kamay nang dumalo sa okasyon at umano’y comatose ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malusog ang Pangulo at masigla sa pagdalo sa pagtitipon ng Lex Talionis at huling nakita niya ito noong Biyernes sa Davao city.

Biro pa ni Roque, kulang lang sa powder ang Pangulo kaya’t nagmukhang maitim ito sa larawan.

“He’s healthy. There was a rumor that he fell ill during his Lex Tallio­nes affair. I talked to former secretary Vit Aguirre who was in the affair, he was fine, stayed there at 12, he was in very high spirits, he enjoyed the company of his brods and I saw him last Friday,”ani Roque.

Makikita aniya ng publiko ang Presidente sa pagdalo nito sa isang convention sa Cebu City para patunayang gawa-gawa lang ang kuwento ni Sison.

“He’s fine and you will see him again tomorrow in the league of cities convention in Cebu City,” dagdag pa ni Roque.

Binatikos din ng Palasyo ang pagpuna ni Sison sa pangingitim umano ng mukha ng Presidente na indikasyong mayroon itong malubhang sakit.

Pero sinabi ni Roque na si Sison ay hindi doktor kundi isang laos na rebolusyonaryo kaya hindi dapat na pakinggan ito.

“Well Joma Sison is a spent revolutionary, not a doctor. Let’s not listen to him as far as medical condition is concerned,” dagdag pang pahayag ni Roque.

Sinabi naman ni Presidential Assistant to the President Bong Go na nagpapahinga lang ang Pangulo at nagkausap pa sila noong Lunes nang madaling-araw.

Ayon sa kanang kamay ng Pangulo, nana­naginip lamang si Sison sa pahayag nitong comatose ang Presidente.

Baka aniya si Sison ang nasa coma at angkop ito sa kanya, palitan lang ang “J” sa pa­ngalan nito ng “C” para maging coma.