Una sa Balita

Roque: COVID mass testing imposible

0 410

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “physically impossible” ang pagsasailalim sa buong populasyon ng Pilipinas sa COVID-19 test.

“No country in the world tests every citizen, that’s a fact. So what we are doing is we’re trying to follow the best examples that we have and right now we’re trying to follow the footsteps of South Korea,” pahayag ni Roque sa panayam ng CNN Philippines.

Gayunman, sinabi nito na target ng gobyerno na makapag-test ng 1.5 hanggang 2% ng kabuuang populasyon ng bansa.

“We can’t test 110 million persons, but in any case, no country in the world will test every single citizen that they have ‘no,” ani Roque.

Nauna rito ay hinimok hinimok ng kalihim ang pribadong sektor na isailalim sa COVID-19 test ang kanilang mga empleyado dahil limitado ang kakayahan ng gobyerno sa pagsasagawa ng mass testing.

“As much as possible, ini-increase natin iyong capacity natin ng testing kaya nga we’re aiming na aabot tayo sa 30,000. Pero in terms of mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million, wala pa pong ganiyang programa at iniiwan natin sa pribadong sektor,” sabi ni Roque sa virtual presser noong Lunes.

Inamin nito na kulang pa ang mga laboratoryo at test kit ng bansa para mapigilan ang paglaganap ng COVID.

“In an ideal world, dapat po lahat ng tao ma-testing pero alam ninyo, una, ang hirap na nga nitong PCR testing, trenta pa lang ang laboratories natin, ang gusto nating mangyari hindi bababa sa nobenta iyang mga PCR testing centers natin; pangalawa, nagkakaubusan din po sa rapid test kits. Sa katunayan, alam ko po as a fact na napakahirap na ngayon sa Tsina maglabas ng rapid test kits dahil sila mismo gusto nilang i-test ang lahat ng mga Tsino,” ayon pa kay Roque. (Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More