Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Roque COC abangers kay Mayor Sara

0 103

Nakasalalay sa magiging desisyon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung tutuloy o hindi si Presidential spokesman Harry Roque sa plano nitong kumandidato sa pagka-senador sa darating na eleksiyon.

Ito ang inihayag ni Roque sa kanyang press briefin­g kasunod ng pagtatapos ngayong Biyernes, October 8, 2021 ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga nais tumakbo sa 2022 elections.

Ayon kay Roque, nagbitiw na siya ng kanyang salita noon na tatakbo lamang ito sa eleksiyon kung tatakbong presidente si Mayor Sara.

“Well, kinakailangan po mayroon tayong isang salita at minsan na po akong nagsabi na tatakbo lang ako kung tatakbo po si Mayor Sara Duterte,” ani Roque.

Nakahanda na aniya ang kanyang COC kung sakaling hahabol sa last day ang alkalde ng Davao City. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.