Una sa Balita

Rookies sabak sa PBA Draft Combine ngayon

By
Sina Jio Jalalon at Mac Belo ang inaasahang magiging top 1-2 sa rookie draft ngayon.
0 4

Hahakbang ang mga aspiranteng PBA (Philippine Basketball Association) rookies palapit sa pinakamimithing pangarap sa pagbahagi ng 55 aplikante sa 2016 PBA Draft Combine ngayon at bukas.

Gaganapin ang two-day camp sa Gatorade Hoops Center sa Shaw Blvd., Mandaluyong City sa pagpapasiklaban ng mga kalahok sa hara­pan ng PBA coa­ches at scouts. Gugrupuhin sila  sa walong teams na may anim-pitong players para sa combine.

Itatampok sa araw na ito simula sa alas-11 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon ang kanilang athleticism, agility, speed at iba pang  skills. Maglalaro sila bukas sa paggabay ng PBA assis­tant coaches sa isang single-elimination tournament.

Nakatakda naman ang 32nd PBA Rookie Draft sa Linggo, Oktubre 30 sa Robinsons Place sa Ermita, Manila.

Malalaman pa lamang bukas pagkatapos ng board meeting ang paiiraling patakaran para sa PBA Gilas National Team special draft order.

Ang pagkakasunod na mga huhugot sa unang yugto sa regular pla­yers draft: Blackwater, Phoenix, Ginebra (mula Phoenix), Mahindra, Star (buhat sa GlobalPort), San Miguel Beer (ga­ling NLEX), Meralco, NLEX (mula TNT), Rain or Shine, Ginebra, Alaska at Phoenix (buhat sa San Miguel).

Sa second round ay NLEX (from Blackwater), RoS (from Star), GlobalPort (from Phoenix), Meralco (from Mahindra), Alaska (from Globalport), RoS (from NLEX), GP (from Me­ralco), Phoenix (fr. TNT), RoS, Mahindra (fr. Ginebra), Alaska at Phoenix (fr. San Miguel).

Sigurado nang No. 1 pick si Mac Belo habang top choices din sina Arnold Van Opstal, Kevin Ferrer, Jio Jalalon, Ed Daquiaog at Chris Tolomia sa special draft.

Sa regulars draft ay sina Raphael Banal, Joshua Alolino, Chris Javier, Joeffrey Javillonar at Jonathan Grey.