Una sa Balita

Rookie Nicole Ebuen pumukpok sa L’Chiefs

By
Kahit napa-split ang magandang 20-anyos, may taas na 5’7” at Colegio de San Juan de Letran outside hitter na si Kathleen Barrienuevo, napangiti pa rin siya sa laban ng Lady Knights sa Arellano University kahapon sa 93rd NCAA women’s indoor volleyball eliminations sa The Arena, San Juan City. (Joaqui Flores)
0 933

Pinamunuan ni rookie Nicole Ebuen ang defending champion Arellano University upang tuhugin ang dati niyang koponan na Colegio de San Juan de Letran, 25-17, 25-17, 25-12, kahapon ng umaga sa 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Naglaro sa Letran Team B bago naging Lady Chiefs, tumikada si Ebuen ng game-high 11 points at walong digs upang ilagay ang Arellano U sa solo top spot kapit ang 3-0 card.“Siguro lumabas pa rin ‘yung pinag-ensayuhan namin, talagang seryoso sila sa pinag-usapan namin na kailangan naming i-defend ang title,” saad ni Legarda-based squad coach Obet Javier.

Nagtala rin ng 11 puntos si Regine Arocha habang bumakas sina Mary Ann Esguerra at Jovielyn Prado ng pinagsamang 15 markers para sa L’Chiefs.

Nakapaglaro na rin sa kauna-unahang pagkakataon ngayong season si reigning Best Setter Rhea Ramirez sa Arellano.

Sinalang si Ramirez sa second at third upang humalili kay Sarah Verutiao na kumana ng 21 excellent sets.
Muling nadapa ang Lady Knights kaya nalasap ang pangala­wang talo sa tatlong laro.