Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rookie Draft aarangkada: ‘Pinas abangers kay Kai sa NBA

0 78

KUMAKATOK si Kai Sotto sa NBA, ngayong araw na ang pinakahihintay ng lahat kung siya na ba ang magiging first local home grown talent ng Pilipinas na papasok sa pinakamalaking liga ng professional basketball.

Nakapaglaro na sa Ignite Team sa G League ang 20-anyos na si Sotto, naka-isang taon din sa NBL sa Australia para sa Adelaide 36ers.

Fil-Ams sina Jordan Clarkson ng Jazz at Jalen Green na No. 2 pick ng Rockets noong isang taon.

Naka-isang season lang sa National Basketball League si Kai, pero naranasan na ng kanyang 7-foot-2 frame na makipagsabayan sa mga mas brusko at mabibilis.

“I would say I’m a skilled 7-footer that can shoot from the outside, and I’m a pretty good passer at my height,” pagmamalaki ni Kai, naimbitahan para makipag-workout sa Knicks, Clippers, Bulls at Pacers. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.