Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rookie card ni Doncic nabenta ng P223M

0 106

UMABOT sa halagang $4.6 million o P223.6 milyon ang rookie card ni Dallas Mevericks star Luka Doncic, Lunes (Manila time), ayon kay collector Bolillo Lajan San at ng Dallas Morning News.

Nabenta ang National Treasures Auto Logoman 1/1 card na may autograph pa ni Doncic, nagdiwang ng kanyang 22nd kaarawan nitong Pebrero 28, sa nasabing halaga.

Napabalita rin na ito ang highest priced basketball card na naibenta.

SM food to go Banner Ad

Nalagpasan ng rookie card ni Doncic ang record price ng authographed signed rookie card ni Giannis Antetokounmpo na $1.812 million noong Setyembre at LeBron James signed rookie card na naibenta sa halagang $1.8 million.

Sa ikatlong season ng Slovenian cager, may average itong 28.5 points, siyam na assists at 8.4 per game kasama ang Mavericks.

Napili rin si Doncic na maging starter sa kanyang ikalawang NBA All-Star Game na gaganapin sa Marso 8 sa Atlanta. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.