Una sa Balita

Ronnie Liang ‘bininyagan’ sa Subic

0 445

Malayo na talaga ang narating ni Ronnie Liang simula noong naging second runner-up siya sa Kapamilya reality singing competition na “Pinoy Dream Academy”. “When I was a kid, palagi kong nakikita ‘yung eroplano na lumilipad sa ere. I told myself, sa tamang panahon, makakapaglipad din ako. Here I am now, fulfilling my greatest dream. Tuwing nagpapalipad ako, bilang parte ng pag-aaral ko as a pilot, minsan nagiging emotional ako, mixed feelings. What a moment like that,” sabi ni Ronnie.

Dahil ganap na siyang solo pilot ngayon, binigyan si Liang ng ‘pin’ ng kanyang school na APG International Aviation Academy noong Nov. 26 sa Subic.

Kasama sa ceremony sina Capt. Christian Atanacio, Capt. John Corda, and school owner Capt. Arnel Miguel. Puring-puri ang singer-actor ni Capt. Corda na sinabing isa siya sa mga mahuhusay na piloto at mabilis turuan.
Sa ginanap ding ceremony sa Subic ay binuhusan si Liang ng tubig.

Bongga, dahil naipakita sa tao na ganu’n pala ang tradition ng mga solo pilot. After that, agad-agad bubuuin ng Viva artist ang 40 hours para makuha ang private license. At magpapatuloy hanggang 200 hours para naman makuha ang commercial license. Super dedicated ang bagong solo pilot dahil kahit na may mga singing engagement siya ay nagbibigay talaga siya ng time sa pagpipiloto.

Hindi naman n’ya iiwanan ang showbiz dahil patuloy pa rin s’ya sa pag-arte at pag-awit. May collab song s’ya with Sarah G titled “Liwanag” na available sa Spotify at iba pang digital music platforms.

Nai-release na rin ang Christmas song na “Sa Paskong Darating” na most requested Christmas song sa mga FM station.

“I believe that you can pursue your dreams at any point in your life. You have to listen to yourself. Mara­ming mga magsasabi na hindi mo kaya, pero ikaw pa rin ang piloto ng buhay mo, ang magdadala sa sarili mo sa tamang direksyon. Of course with the help of prayers and family and friends who are always there to support you.” (DS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy