Una sa Balita

Rondina, UST diniskaril ang UE

By
0 225

NAGKUNTSABAHAN sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Ejiya ‘Eya’ Laure nang idiskaril ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang ­University of the East Lady Warriors sa wakas ng UAAP season 81 women’s indoor volleyball tourney 1st round elims Linggo ng hapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Sa pinagsamang 32 points nina graduating open hitter Rondina at rookie setter/outside hitter Laure, winalis via straight sets ng Uste ang UE. 25-18, 25-14, 25-20.

Tinapos ni Rondina ang laban para masungkit ng USTe ang kanilang pang-limang panalo sa walong paaralang torneo torneo sa 17 pts. lahat galing sa atake at si Laure na may 15 markers na may 11 spikes.

Tinablahan ng España-based volleybelles sa segunda sa team standings ang defending champion De La Salle University Lady Spikers sa tig-5-2 win loss record.

Naibawi rin ng Thomasian ang second round upset loss sa mga balibolistang taga-Recto noong isang taon at kinasadlak nito sa 1-6.

“Dati nagsisimula kami sa 0-3. Napakaganda ng naging development ng team namin ngayon,” masayang bulalas ni UST coach Emilio Reyes Jr.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy