Una sa Balita

Rondina tunay na alamat — Chiu

0 296

IBANG klase talaga ang husay ni 81st University Athletic Association of the Philippines MVP Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina.

Kahit si Kapamilya actress Kim Chiu ay hanga­ sa pinamalas na puso ng natatanging UST Golden­ Tigress.

Maski pa bigo ang mga bulinggit na España-based volleybelles sa korona laban sa mga higante ng Ateneo Lady Eagles, papuri pa rin ang sinambit ni Chiu para sa koponan.

Sa winner-take-all Finals Game 3 nitong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay, winalis ng Ateneo Lady Eagles ang USTe sa straight sets.

Sa post ni Chiu sa kanyang Twitter (@princesachinita), “naiiyak ako for sisi!!! huhu diko naman siya kilala personally but followed her journey in uaap!!! grabe ang puso!!! lalo today!!! she did everything talaga kaso kulang pa rin talaga. congrats sisi rondina!!!!! you are a true legend!!! puso at determination! UST PARIN!!!!!”

Sumagot naman si Rondina (@Rondina011) ng “Thank you Ms. Kim” sa kanyang fellow Cebuana. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy