Una sa Balita

Rondina, Reyes ipambabara ng Petron kontra F2 Logistics

By
0 354

Mga laro ngayon:

(Alonte Sports Center)
4:00 p.m. – Cignal vs Generika-Ayala
6:00 p.m. – Petron vs F2 Logistics

MAGHAHALO ang balat sa tinalupan pagharap ng dalawang heavyweights na Petron at F2 Logistics sa Philippine Superliga All-Filipino Confe­rence ngayong araw sa Alonte Sports Center sa Binan City.

Tangan ang tig 3-0 records, magsisi­mula ang bakbakan sa pagitan ng defending champions Blaze Spi­kers at Cargo Movers sa alas-6:00 nang gabi pagkatapos ng Cignal-Generika-Ayala match sa alas-4:00 nang hapon.

Sa ipinapakitang tikas ng Blaze Spi­kers at Cargo Mo­vers, maugong na muli silang magkikita sa championship round sa event na suportado ng ESPN5, Aksyon TV at Hyper HD bilang broadcast partners.

Parehong galing sa three sets wins ang dalawang koponan, tinalbos ng Petron ang Smart, 25-23, 25-14, 25-18 habang kinalos ng F2 Logistics ang Cocolife, 25-13, 25-16, 25-8.

Pero paniguradong isa lang ang magtutuloy ang panalo habang ang isa ay makakalsuhan.

Ayon kay F2 Logistics coach Ramil de Jesus, gagawin nila ang lahat laban sa Petron, ang team na bumigo sa kanila sa All-Filipino Conference crown nakaraang taong finals.

“We really have to prepare against Petron,” ani de Jesus. “It’s important for us to do our adjustments because we know how strong our opponent is.”

Kakapitan ni De Jesus sina Kim Fajardo, Aby Maraño, Majoy Baron, Ara Galang at Cha Cruz.

Habang ibabangga ni Petron coach Shaq Delos Santos sina Rhea Dimaculangan, Mika Reyes, Remy Palma, Frances Molina, Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Aiza Maizo-Pontillas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More