Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rondina, Pons sobrang gigil

0 112

BAGAMAN nakuha ang kampeonato sa Beach Volleyball Republic on Tour first leg kamakailan, hindi magpapakampante sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons ng Creamline para makamit din ang korona sa second leg.

Balak ituloy nina “SiPons”, magkatandem simula 2017, ang kanilang pananalasa sa BVR on Tour sa second leg na inaasahang sisimulan ngayong Huwebes.

Namayagpag bilang mga kampeon ng women’s division ng BVR on Tour first leg sina Rondina at Bernadeth Pons nitong Lunes sa Santa Ana, Cagayan.

“Same goals and alam mo iyon. Pareho kaming magtrabaho. Pareho naming ibinubuhos yung commitment namin sa lahat ng kino-commit namin,” litanya ni Rondina sa “The Game” ng One Sports.

“Hindi naman mahirap kasi siguro, ginugusto lang namin lahat,” dagdag pa nito. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.