Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rondina, Pons bibira sa Phuket

0 197

MATAPOS mamayagpag sa nagdaang Beach Volleyball Republic on Tour, paghahandaan naman ngayon ni Bernadeth Pons at Cherry Ann Rondina ang kanilang pagsabak sa Asian Seniors Beach Volleyball Championship sa Phuket, Thailand.

Ito ang ibinahagi ni Pons makaraang magreyna sila ni Rondina sa first at second leg ng BVR on Tour women’s division kamakailan na ginanap sa Santa Ana, Cagayan.

“Magpapaiwan muna kami dito sa Santa Ana para mag-training for the preparations dun sa Thailand na game namin,” lahad ni Pons, national team player at 2019 Southeast Asian Games bronze medalist, sa “The Game” ng One Sports.

Nakatakda ang Asian Seniors Beach Volleyball Championship sa darating na Nobyembre 23-27. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.