Una sa Balita

Rondina may parangal sa PSA

0 271

SIPAG at tiyaga ang naging puhunan ni beach/indoor volleyball star Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina upang maabot ang tagumpay.

Memorable sa former University of Santo Tomas Golden Tigress ang 2019.

Inakbayan ni 23-year old Cebuana volleybelle ang Pilipinas sa pagsampa sa unang Southeast Asian Games women’s beach volleyball podium, sapul noong 2005 dahilan upang hiranging Ms. Volleyball ng SMC-Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Marso 6 sa Manila Hotel.

Bago ang nasabing event, aakyat din siya sa entablado bilang isang awardee rin sa 37th SMB-SAC All-Cebu Sports Awards sa Pebrero 29 sa Cebu City.

Nakalinya na si Rondina kina Alyssa Valdez (three times), Mika Reyes at Dawn Macandili na mga tumanggap ng prestihiyosong award mula sa PSA.

“For me, blessed sobra ‘di ko naman din po inakala na ganito po ang ibabalik sa akin. Minahal ko lang talaga mga committments ko and siyempre putting efforts sa lahat ng mga ginagawa ko lalo sa pag­lalaro po,” pahayag ni Rondina.

Masisilayan si Rondina na papalo ng bola sa bagong tatag na Creamline beach volleyball club. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More