Una sa Balita

Rondina hayop sa bagsik, napiling Player of the Week

0 168

HAYOP talaga sa galing si veteran open spiker Cherry Ann Rondina nang giyahan ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa ikatlong puwesto sa standings (9-4) ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Humataw ng 20 points ang graduating skipper kontra UP Lady Maroons kasama ang 15 excellent digs at walong receptions para walisin ang koponan 25-21, 25-12, 26-24 noong Abril 10.

Sa huli nitong laban noong Abril 14, hataw naman ito ng 20 markers kontra sa FEU Lady Tamaraws tungo sa 25-23, 25-18, 25-23 panalo ng UST.

Dahil dito, lumakas ang tsansa ng España-based squad para sa isa sa dalawang twice-to-beat bonus papasok sa semifinals sapat para mahirang siyang Player of the Week. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy