Una sa Balita

Ronda qualifier pakakawalan sa Tarlac

By
0 107

Target nina former champions Santy Barnachea at Irish Valenzuela at Southeast Asian Games triathlon gold medalist Nikko Huelgas na sumikwat ng slots sa LBC Ronda Pilipinas main race sa 2018 pagsabak nila sa Luzon qualifying race sa Sabado sa Tarlac City.

Tinatayang 322 cyclists ang magpapadyakan para sa ticket.

Sa edad na 41, nais ni Barnachea na masilo ang pangatlong titulo sa annual LBC-Ronda matapos manalo sa unang edition noong 2012 at 2015.

Si 2013 Ronda titlist Valenzuela na ngayon ay nagtatrabaho sa Dubai ay magbabalik-karera matapos lumiban ng dalawang taon dahil sa road accident na natamo.

Sariwa sa pagkopo ng gold medal sa SEAG sa Kuala Lumpur, Malaysia noong nakaraang buwan, ginagawang training ni Huelgas ang nasabing event para paghandaan ang malalaking karera sa triathlon races kasama ang 2018 Asian Games sa Palembang, Indonesia at 2019 Manila SEAG.

Magbabalik padyak din si former Ronda King of the Mountain winner Junrey Navarra na lumiban noong 2016.

Swak na sa main race si reigning Ronda champion Jan Paul Morales ng Navy, pero sasalang pa rin siya sa one-day race na may nakalaan na P30,000 sa champion, P20,000 at P10,000 sa second at third placers bilang paghahanda sa kanyang title defense. 

May 38 slots lang ang nakataya sa one-day race na may distansiyang 180 kilometers, magsisimula sa harap ng Tarlac Provincial Capitol at magtatapos sa mountain top ng Monasterio de Tarlac.

Isa pang qualifying race sa October 21 sa Danao, Cebu.

Ayon kay LBC Ronda project director Moe Chulani, tatanggap ng P1M ang magkakampeon sa main race mula sa LBC.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy