Una sa Balita

Ronda, motocross may ayuda mula GAB

0 448

MAKASISIGURO ang lahat ng pantay at patas na labanan sa ilalargang Ronda Pilipinas at Motocross event bunsod nang pagtataguyod ng Games and Amusement Board (GAB) sa dala­wang pamosong event.

Itinuturing na premyadong cycling marathon sa bansa, muling mapapanood ang mga tinaguriang Road Warriors sa pagsikad ng Ronda Pilipinas na itinataguyod ng LBC, sa gabay ng mga panuntunan ng GAB at basbas ng International Cycling Union (UCI).

“GAB acts to ensure legal and medical protection for professional cyclists as well organizers for the event,” sambit ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra. Kabilang ang mga foreign riders – pawang naghahangad ng UCI points – na sasailalim sa medical at drug test ng pamahalaan.

Batay sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang iligal na droga, sentro ng kampanya ng GAB ang pagkakaroon ng regular na medical test para sa mga atleta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy