Una sa Balita

Romualdez sumabit lang sa airport inspection ni Duterte

0 362

HINDI umano dapat bigyan ng malisya ang presensiya ni Leyte Congressman Martin Romualdez sa sorpresang inspection ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA-2) nitong Lunes nang madaling-araw.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagkataong nagkita ang Pangulo at Romualdez sa burol ng asawa ng negosyanteng si James Gaisano sa Heritage Park sa Taguig City. Si Gaisano aniya ay personal na kaibigan ni Duterte.

Sinabi ni Panelo na sumama na lamang si Romualdez sa pag-ins­pection ng Pangulo sa NAIA Terminal 2 kaya hindi dapat gawing isyu ito.

“He was there at the wake. Nagkataon lang iyon kasi kaibigan din niya si Mr. Gaisano. Nagkita-kita lang doon. Sumama lang siguro siya,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na makailang beses nang sinabi ng Pangulo na hindi siya makikialam sa isyu ng agawan sa speakership­ sa Kamara at hahayaan niya ang mga mambabatas na pumili ng kanilang lider sa Kamara.

“The President will not interfere on that, we have repeatedly said that,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte na bago at pagkatapos ng eleksyon ay lumapit sa kanya ang apat na kongresistang naghahangad maging House Speaker at hinihingi ang kanyang basbas subalit wala aniya siyang ibinigay na commitment sa mga ito. ­(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy