Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Romualdez kasado na VP bet

0 52

Kasabay ng taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-endorso sa kanya bilang vice presidential candidate sa 2022 elections ay nagbukas ng pintuan kay House Majority Leader at Leyte Rep. Martin G. Romualdez para sunggaban ang hamon.

“I thank President Rodrigo Duterte for his trust and confidence in me to hold the second-highest position of the land. I am deeply honored that he considers me, a congressman from the Eastern Visayas worthy to serve as the country’s next vice president. For this, I will be eternally grateful to the President,” ayon kay Romualdez.

Ayon kay Romualdez, ang naturang endorsement ng Pangulo ay nagbigay sa kanya ngayon upang buksan ang kanyang mga opsiyon kaugnay sa 2022 elections.

“Let me assure the President that I will seek his guidance in the pursuit of this decision,” ayon kay Romualdez, pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD). (Eralyn Prado/ Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.