Una sa Balita

Romero: Mga estudyante, ilibre sa 30th SEA Games

0 292

Nais ni Deputy Speaker Mikee Romero ng 1Pacman Partylist na maipakita ang kalidad at importansiya ng malaking internasyonal na torneo pati na kung gaano kahalaga ang crowd support para sa hangarin ng Team Philippines na muling maging overall champion matapos maganap noong 2005.

Kaya hiniling ni Romero sa Department of Education at Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na payagan ang mga estudyante na masaksihan ang de-kalidad na kompetisyon habang makakanood nang libre.

“We have state-of-art athletics and swimming centers but it will look ugly if there are no student-cheerers,” sabi ni Romero.

Sinabi ni Romero, na lalahok din sa biennial meet bilang miyembro ng Philippine polo team, na dapat magtakda ang Phisgoc ng lugar para sa mga estudyante, lalo na ang mula sa Tarlac at Pampanga, na mag-cheer hindi lamang sa mga Pinoy kundi maging sa mga atleta ng ibang bansa.

“We did it 14 years ago so I see no reason why we can’t duplicate our golden achievements during the 23rd SEA Games. With President (Rodrigo) Duterte’s total support and crowd support I’m confident we can do it again,” sabi ni Romero, isa sa mga founding director ng Philippine National Federation of Polo Players.

Kinolekta ng mga Pinoy athlete ang kabuuang 113 gintong medalya para sa 26 na agwat sa madalas tanghalin na kampeong Thailand nang huling mag-host ang bansa sa SEA Games noong 2005.

“If you are competing and you see your kababayans cheering their hearts out, I’m sure you will do eve-rything humanely possible to win,” dagdag pa ni Romero. “That’s what I want to see and hear when we hold this year’s SEA Games.”

Ang kada dalawang taong torneo ay nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 kung saan ang opening ay gagawin sa Philippine Arena sa Bulacan at ang closing ceremony sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Ang secondary venue ay ang Subic habang ang tertiary venue ay ang Metro Manila at iba pang siyudad kagaya ng Tagaytay City. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy