Una sa Balita

Romeo, San Miguel Beer OK sa 3-year extension

0 351

BUONG akala noon ni Terrence Romeo, tapos na ang kanyang career.

Naisip niya, mabuburo na lang ang talento sa basketball.

Fifth pick overall ng GlobalPort noong 2013, limang taon din siyang naging mukha ng Batang Pier bago pinamigay sa TNT. Pagkatapos ng 2018 season, itrinade naman siya ng KaTropa sa San Miguel Beer.

“Akala ko ‘yung career ko dati talagang ano na eh … maaga na akong magre-retire sa mga nangyayari,” ani Romeo.

Nagkaroon ng bagong tsansa ang dating FEU star.

Ngayon ay sigurado nang magtatagal pa siya sa PBA at sa SMB, binigyan ng team ng panibagong three-year extension sa kanyang kontrata.

Hindi ibinunyag ng 5-foot-11 guard ang halaga ng deal, pero kinumpirmang pumirma siya ng extension.

“Nag-sign ako ng three-year extension sa San Miguel,” aniya pagkatapos ng 113-107 win ng Beermen sa Columbian Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. “Pinapirma ako nila (SMC head) boss RSA (Ramon S. Ang), boss Al (Alfrancis Chua) at boss Robert (Non) kaya sobrang thankful ako sa kanila.”

Pagdating ng SMB, tanggap ni Romeo na off the bench na siya, bawas ang minuto at hindi na starring role sa team.

Pero tuwing tinatawag ni coach Leo Austria ang kanyang numero, rumeresponde siya. Galing sa trangkaso mula nang maglaro sa Dubai noong Oct. 4, dalawang laro ding lumiban si Romeo. Kontra Dyip ay nagsumite siya ng 12 points, pito rito sa third nang idikit ang Beermen 80-76 papasok ng fourth.

Ibinabalik lang daw niya ang tiwala na binigay sa kanya ng management.

“Binuhay nila ‘yung career ko ulit kaya gusto kong suklian, eh,” aniya.

“Gusto ko na every game makatulong ako sa team sa kahit na papaanong paraan. Kasi limited lang ‘yung oras ko.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy