Una sa Balita

Romeo, Pringle igagapos ng Gin Kings

By
0 1,481

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p. m. — NLEX vs Phoenix
6:45 p. m. — GlobalPort vs Ginebra

Kahit pilay ang Ginebra na buhat sa 12 araw na bakasyon, positibo itong masesenglot ang GlobalPort lalo’t kung maigagapos ang 1-2 panuntok doong sina Terrence Romeo at Stanley Pringle.

Magbabanatan ang Gin Kings at Batang Pier sa alas-6:45 ng gabi sa pagbabalik ng PBA Philippine Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Abante Hiring – IT dep

Panghimagas ang alas-4:30 ng hapong bugbugang NLEX at Phoenix.

“Were still missing key guys – Joe (Devance), Sol (Mercado), Art (dela Cruz) – but we have prepared to play without them and feel good about the way we have practiced through the break,” saad kahapon ni Tim Cone.

Hinirit ng Ginebra coach, na buhat sa 89-78 paglango sa Magnolia noong Pasko sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, na hirap pa rin sila kapag katuos ang GlobalPort na nagiging madulas dahil kina Romeo at Pringle.

“We’ll need to do a good job of containing them,” panapos ni Cone, na sasandal kina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Scottie Thompson at Mark Caguioa.

Nagpapahinga pa si Devance mula sa foot injury kaya liban sa Gin Kings, pinalagda ang libreng aplikanteng sina John Wilson at Jericho de Guzman na pansamantalang papalit kina Devance, Dela Cruz at Mercado.