Una sa Balita

Romeo payag maging second stringer — Austria

By
0 625

LOADED ang San Miguel Beer, Killer Five pa nga ang tawag sa starters ni coach Leo Austria.

June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross, Arwind Santos. May Christian Standhardinger na, dumating pa si Terrence Romeo.

Hindi kataka-takang liyamado ang Beermen sa PBA Philippine Cup.

Wala pa sina Fil-German Standhardinger at scoring champion Romeo, nakaapat na sunod na kampeonato na ang San Miguel sa all-Filipino.

Uumpisahan nilang habulin ang record na panglima sa siklab ng kampanya mamaya kontra Columbian Dyip sa first game sa Cuneta Astrodome.

Siniguro na noon ni Austria na kailangang aralin at sundin ni Romeo ang sistema ng team para mag-click sa mga kakampi.

Sa dami ng firepower ng Beer, hindi kailangang umiskor ng napakarami ni Romeo tulad ng ginagawa noong nasa GlobalPort pa hanggang malipat sa TNT KaTropa.

“Hindi ko pa alam kung magi­ging off the bench or starter, but the good thing with him there is siya ang nag-umpisa na ‘I’m willing to be off the bench, second or third (stringer)’ okay sa kanya,” pahayag ni Austria. “Sabi niya, ‘hindi ako maghahanap ng playing time as long as na maganda ang nilalaro ng team.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy