Una sa Balita

Romeo na-injure sa pocket tourney

0 350

SADYANG hindi maganda ang pasok ng ­taong 2020 para sa San Miguel Beer matapos na paisa-isang magtamo ng injury ang mga miyembro nito na pinakahuli ay ang point guard na si Terrence Romeo.

Nadagdag ang two-time scoring champion sa mga nasa injury list para sa mga nagtatanggol na kampeong Beermen matapos nitong masaktan ang kanyang right ankle sa isinasagawang tune-up na laban kontra sa Alaska Huwebes ng gabi.

Unang nagawa ni Romeo na maipasok ang isang jumper kontra JV Casio ng Aces bago ang halftime break bago na lamang ito natisod sa isang exercise equipment na nakabalandra sa baseline.

“Natapakan ko ‘yung parang bike na bakal pagkatapos ko tumira. Pag-step ko, may tumunog eh,” sabi ni Romeo.

“Sana tapilok lang talaga.”

Ang pinakahuling insidente ay inaasahang mas malalim na dagok para sa Beermen na una nang nagtamo at hindi na makakasama sa buong laban si June Mar Fajardo sa 2020 PBA Philippine Cup dahil sa fractured right tibia.

Hindi rin kasama sa ensayo at pre-season buildup ng Beermen si Marcio Lassiter dahil sa basag na ilong. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More