Una sa Balita

Romeo lumabas na sa kanyang lungga

By
0 782

MALUWAG na tinanggap ng naghahangad sa ikalimang sunod nitong korona sa All-Filipino Conference o mas kilala bilang Philippine Cup na San Miguel Beer ang tatlong beses nang league scoring champion na si Terrence Romeo sa pagdalo nito sa unang pagkakataon sa pagsasanay ng mga Beermen.

Hindi inihayag ni Romeo ang mga dahilan sa naganap na pakikipaghiwalay nito sa dating koponan na TNT KaTropa bagaman ipinaalam nito na mas may malalim pa na naganap na situwasyon bago ang pagdedesisyon ng pamunuan na ipagpalit ito at ibigay sa ibang koponan.

“Ang mahirap lang na part ang nakikita nila, ‘yung nababasa nila. Hindi nila talaga alam ang tunay na dahilan,” sabi ni Romeo, na ipinakilala mismo sa koponan ni San Miguel Beer Board Governor Robert Non.

“He is the most misunderstood player in the league,” pahayag ni Non sa bumubuo sa Beermen.

Hiniling ni Romeo na huwag na lamang nitong ikuwento pa ang naging takbo ng tunay na pangyayari na na­ging daan upang ilipat ito ng KaTropa patu­ngo sa mga Beermen at magsisimula na lamang itong muli at kalimutan ang isyu.

“Magmo-move on na lang ako. Kung ano man ‘yung sinabi nila sa akin, kung ano man ‘yung linabas nila na write-ups about sa nag-AWOL ako, hindi raw ako ma-contact pati nung Christmas party, kung ano man ang sinabi nila. Ipapakita ko na lang sa laro ko ang kasagutan sa bago kong team,” sabi ng da­ting miyembro ng Team Pilipinas sa nalalapit na pagbubukas ng ika-44th taon ng PBA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy