Una sa Balita

Romeo kontra NorthPort: Maliit lang mundo namin

0 280

SASAGUPAIN ni San Miguel Beer guard Terrence Romeo ang dati niyang team na NorthPort sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Pagkatapos ng 95-91 loss sa Meralco noong Miyerkoles, napadpad sa seventh spot ang Beermen.

Sa quarterfinals, pasan ng Beer ang handicap na twice-to-win laban sa No. 2 Batang Pier.

Kung nanalo sana ang Beer ay aangat sila sa at sasabak sa mas pantay na giyera – best-of-three para sa No. 3 vs. No. 6 at No. 4 vs. No. 5.

Walang masamang tinapay kay Romeo sa pakikisagupa sa Batang Pier, kumuha sa kanyang fifth pick overall noong 2013 bago nai-trade sa TNT makalipas ang limang taon. Bago natapos ang 2018 ay pinamigay naman siya ng Ka-Tropa sa SMB.

“Maliit lang ang mundo ng basketball,” ani Romeo, tumapos ng 11 points mula 3 for 10 shooting sa 3-point range kontra Meralco. “‘Di naman ako lang versus sa former teams ko, eh. Team pa rin ‘to.”

Kahit sino ang maka-tapat sa playoffs, may handicap o wala, ang mahalaga kay Romeo ay makapaghanda sila. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy