Una sa Balita

Romeo ‘di pa rin sumipot sa San Miguel practice pa-suspense si terrence

By
0 589

BALIK na sa practice kahapon ang San Miguel Beermen bilang paghahanda pa rin sa pagdepensa ng kanilang All Filipino Cup trophy simula sa 44th PBA Season sa ­Enero 13.

Pero wala pa ring Terrence Romeo.

Hindi pa rin sumi­sipot ang eksplosibo at three-time scoring champion sa anumang ensayo ng koponan sapul nang makuha ng San Miguel via trade mula TNT KaTropa nitong nagdaang buwan.

Ayon kay San Miguel Beer team manager Gee Abanilla, nakatakdang dumalo sa ensayo ngayong Huwebes ng umaga si Romeo matapos ilang beses itong hindi dumalo sa pagsasanay ng koponan bago pa matapos ang 2018 at kahapon.

Dumalo naman sa unang practice ng taon sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Chris Ross.

Hindi nakadalo si Christian Standhardinger matapos payagan ng pamunuan na mas mahaba ang bakasyon para makabawi sa matinding pagsabak nito sa 2018 kung saan naglaro ito sa ASEAN Basketball League, sa San Miguel Beer at sa National Team.

Maliban sa ensayo ay inihayag na din ng pamunuan ng San Miguel ang pagsama ni Romeo sa koponan.

Matatandang kinuha ng San Miguel sa biglaang trade noong nakaraang buwan ang serbisyo ni Romeo matapos itong iwanan ng TNT KaTropa kapalit nina Dave Semerad, Brian Heruela at future draft pick.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy