Una sa Balita

Romblon mayor, 5 pa tinuluyan sa graft

By
0 1,823

Kasong graft ang isinampa ng Ombudsman sa Sandiganba­yan laban kay Mayor ­Fernald Rovillos ng San Andres, Romblon na may kinalaman sa ­kuwestiyonableng pagbili ng seedlings na nagkakahalaga ng P550,000 noong taong 2014.

Si Rovillos ay kinasuhan ng one count na paglabag sa Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Kasama ding kinasuhan si municipal accountant Melinda Gaac, municipal planning and development officer Mary Claire Mortel, Bids and Awards Committee (BAC) chairman Caezar Valiente, BAC vice chairman Gay Tan, at BAC member Genny Rose Vergara.

Samantala, ang Perlas Seed Growers proprietor na si Reynaldo Perlas ay kasama rin sa private respondent sa kaso.

In-award umano ang kontrata sa Perlas Seed Growers sa pamamagitan ng direct contracting sa kabila ng kawalan ng certification mula sa Department of Trade and Industry na magbibigay-katiyakan na walang ibang kompanya ang nag-aalok ng kahalintulad na seedlings na mababa ang presyo.

Piyansang P30,000 ang inirekomenda para sa bawat akusado.