Una sa Balita

Romasanta hihimayin mga kontrata ng Phisgoc

0 241

BUBUSISIIN ng bagong upong Philippine Olympic Committee (POC) president Joey Romasanta ang lahat ng mga kontrata at iba pang mga de­talye na naisagawa ng Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) gayundin ang pangangailangan ng mga national sports association (NSA).

Ipinaliwanag ni Romasanta na agad nagpatawag ang POC exe­cutive board ng isang extraordinary meeting para malaman ang kabuuang situwasyon ng mga NSA patungkol sa isinasagawang paghahanda ng Phisgoc sa kani-kanilang mga isasagawang sports gayundin sa gagamitin nitong mga pasilidad.

“Actually, the intention and objective of the general assembly on June 25, is for us to be brief by the NSAs kung ano ang kaila­ngan nila, anong stage na preparation nila, so on and so forth, for us to make an accurate assessment on how we might fare in our hosting of the SEA Games,” sabi ni Romasanta.

Ipapaliwanag din nito mismo ang dapat na maging responsibilidad at gawain ng Phisgoc base sa nakasaad sa sinusunod na protocol ng POC at kautusan ng SEA Games Federation.

“Ang real intention for the creation of the organizing committee is to report on everything that concerns the SEA Games. Ang siste ay hindi namin alam ang lahat ng mga nangyayari dahil hindi naman inirereport sa POC ang mga naiimplementa sa committee,” sabi ni Romasanta.

Nais ni Romasanta na maibalik ang da­ting ginamit na set-up sa paghohost ng Pilipinas noong 2005 SEA Games kung saan magkakatuwang ang POC, PSC at Philsoc sa pagsasagawa ng mga trabaho at responsibilidad. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy