Una sa Balita

Romansa

By
0 5

Dear Kuya Rom,

Kami ay nagkakilala sa trabaho. Siya ay isang taon na sa kompanya nang magsimula akong magtrabaho. Naging magkaibigan kami. Naging sweet kaming dalawa. Pagkaraan ng dalawang buwan, naging boyfriend ko siya.

Alam ng mga katrabaho namin na may relasyon kami. Pero hindi nila alam ang lihim ng aming buhay. Kami ay live-in partners. Tumagal ng tatlong taon ang aming love affair. Nakipaghiwalay ako dahil sinasaktan niya ako. Nawala ang romansa.

Abante Hiring – IT dep

Hindi na ako masaya sa trabaho ko. Mahirap pala ang magkaroon ka ng relasyon sa isang tao sa kompanyang pinapasukan mo at bumagsak kayo sa paghihiwalay. Araw-araw ko siyang nakikita at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya.

Halata ng mga tao sa office na hindi na kami sweet sa isa’t isa. May mga nagtatanong na. Tumatahimik lang ako. Sasa­bihin ko ba sa kanila na sinaktan niya ako? O itago ko na lang ang totoo? Paaano ko malalagpasan ang pagsubok na ito?

Kuya, just call me Mimi. Please give me some advice. Thank you so much. — Mimi

Dear Mimi,

Related Posts

Napagkamalan

Dahil sa yakap

Kung hindi maganda ang naging bunga, talagang mahirap ang masangkot sa isang office romance. Alam ng mga tao na kayong dalawa ay may relasyon at sweet sa isa’t isa, kaya’t nagtatanong sila. Mabuting maging matatag ka sa pagsagot. Pigilin mo ang iyong bibig upang maiwasang mauwi sa iskandalo ang love affair na ito.

Sa mga nagtatanong, sumagot ka na may kasamang ngiti sa iyong mga mata, sabihin mo lang na gusto mong ituon ang iyong sarili sa trabaho. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng lalaki, palitan mo agad ang topic, at ilayo mo sa usapan ang tungkol sa inyong dalawa.

Kahit na hindi matagumpay ang relasyon ninyong dalawa, naging bahagi pa rin siya ng iyong buhay. Totoong masama ang saktan ka ng isang tao, pero mabuting pairalin mo ang pagpapatawad upang hindi lumaki ang hidwaan. Ang pagpapatawad ay magbibigay sa iyo ng proteksyon para hindi ka lalong masaktan.

Kahit na masama ang ginawa sa iyo ng isang tao, huwag kang bababa sa mababang uri ng kanyang pagkatao. Kahit masama siya, iwasan mong mapasama siya sa paningin ng iba. Mabuting lumayo ka sa tsismis at panatilihing malinis ang iyong pangalan.

Kahit nakikita mo ang lalaking nanakit sa iyo, manatili kang payapa. Ituring mo ang bawat araw na isang magandang pagkakataon para umunlad ang iyong karakter.

Ipagkatiwala mo sa Diyos ang lahat ng bagay, mamuhay ka ng tahimik, malinis, at may positibong pananaw. Hayaan mong ang iyong sarili na maging larawan ng isang magandang kwento ng buhay kahit hindi ka magsalita.

Maging maganda ka sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang kalooban at maka-Diyos na pag-uugali. Maging huwaran ka ng kahinhinan at kabaitan, at hahangaan ka ng mga tao sa iyong paglakad sa mundong ito. Sa biyaya ng Diyos, taas noong malalagpasan mo ang mga pagsubok ng buhay. God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom