Una sa Balita

Rollback uli sa oil

By
0 197

Good news pa rin para sa mga motorista. Ito’y dahil may inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong darating na linggo.

Ayon sa industry sources, maglalaro sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang ibababa ng presyo ng diesel habang P0.50 hanggang P0.60 naman sa kada litro ng gasolina.

Ang kerosene ay may rollback din na aabot sa P0.65 hanggang sa P0.70 kada litro. Dulot na rin umano ito sa paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Sa pinakahuling data ng Department of E­nergy (DOE), lumitaw na ang presyo ng diesel ay nag­lalaro ngayon sa pagitan ng P25.45 hanggang P28.75 kada litro habang ang gasolina ay nagla­laro naman sa pagitan ng P35.65 hanggang P43.25 kada litro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy